99

By

Sundalo kritikal sa bala ng pulis

Nasa malubhang kalagayan ang isang 32-anyos na Army corporal matapos siyang barilin ng police staff sergeant nang magpambuno Miyerkoles ng madaling-araw sa Alibagu village, Ilagan, Isabela.

Ayon sa report, nabanas si Staff Sgt. Glenmark Geronimo, 32, nakatalaga sa 1st Isabela Provincial Mobile Force Company, nang paulit-ulit siyang businahan ni Cpl. Richard Limon, 32, habang nagpa-park ng sasakyan dakong alas-12:45 ng madaling-araw.

Nauwi ito sa bugbugan sa parking lot ng Manggahan Grill and Bar kung saan bumunot ng baril si Geronimo at pinaputukan ang sundalong si Limon.

Naitakbo si Limon sa Isabela Doctors General Hospital habang tumakas si Geronimo pero kalaunan ay sumuko sa Ilagan police.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?