430

By

Sumunod sa ordinansa! Mga traffic enforcer pinagtanggol ni Magalong sa paghuli sa judge

Dinepensahan ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang kanilang mga traffic enforcer na humuli at kumumpiska sa lisensiya ng isang judge dahil sa illegal parking.

Ayon kay Magalong sa radio interview, ginagawa lamang ng mga traffic enforcer na ipatupad ang lokal na batas hinggil sa illegal parking.

Ang hakbang ay ginawa ni Magalong matapos na ipatawag ni Cabanatuan Municipal Court Judge Nelson Lago para magpaliwanag ang mga enforcer kung bakit sila hindi dapat i-contempt para sa paghuli sa kanya (Lago) para sa illegal parking at pagkumpiska sa kanyang lisensiya.

Ayon kay Magalong, maliwanag na nilabag ni Lago ang local ordinance nang pumarada ang judge malapit sa isang jeepney terminal.

“Maayos naman ang pagkakasita sa kanya… Nagpapatupad lang tayo ng ordinansa rito,” ani Magalong, na dating opisyal ng Philippine National Police.

“Puwede naman po silang mag-file ng kaso at i-question ang ating ordinansa. Bakit naman gagamitin mo iyong position para lang mag-exert ng influence e alam mo namang mali kayo?” dagdag ni Magalong.

Samantala, matatandaan na sinabi ni Lago sa isang newspaper report na ang pagbabayad niya ng punta at pagrekober niya sa kanyang license plate ay “evidently caused delay in the scheduled hearings” and “the administration of justice.”

Ayon kay Magalong, inaasahan niya na magkakaroon din siya ng subpoena na manggagaling kay Lago upang ipaliwanag ang kanyang city’s traffic ordinance.

“Iyong mga may awtoridad dapat magpakumbaba sila at sumunod na lang po sa ating batas,” ani Magalong.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?