128
Sumisipsip lang sa Malacañang – Bam sa tanggal-scholarship ng NYC
By

Sumisipsip lang sa Malacañang – Bam sa tanggal-scholarship ng NYC

Nagbigay ng kanyang panig si Senador Bam Aquino sa suhestiyon ni National Youth Commission (NYC) Chairman Ronald Cardema na alisan ng scholarship ang mga estudyanteng sumasama sa mga rally para kondenahin ang gobyerno.

Ani Aquino, sumisipsip lang umano si Cardema sa Palasyo at buti na lang umano ay mismong ang Malacañang ang nagsabi na hindi ito tama.

Dagdag pa niya, hindi umano nila ginawa ang free tuition na usual scholarship process na pipila at magpapasa ng requirements ang isa tao o kumuha ng endorsement mula sa mga politiko dahil ayaw nila na mapolitika ‘yung proseso.

“We did the other way which was basta maka-enroll ka, basta pasado sa entrance exam automatically wala ka nang babayaran. We really chose that method because ayaw namin mapulitika yung proseso, ayaw naming magkaroon ng sitwasyon na kailangan kang humingi ng endorsement sa politiko. Kailangan kang mag-mano dun sa SUC president we try to take out politics out of it by giving it outright,” paliwanag ni Aquino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?