54

Sulyapin ang Ernesto’s Kitchen & Bar, ang dinarayong restaurant sa Santa Ana

Tila nagpapalit-anyo ang isang restaurant na Ernesto’s Bar & Kitchen sa Santa Ana, Pampanga dahil sa paiba-ibang bihis nito sa umaga at gabi.

“The goal was mag-put up ng something na kumikita na gusto ko and at the same time kasama ko yung mga magulang ko na nagpalaki sakin. So basically ganon yung konsepto at gamitin yung mga recipe nila na gustong-gusto nila linuluto,” sabi ni Ernesto dela Cruz, ang may-ari ng Ernesto’s Bar & Kitchen.

Pagpasok pa lang ay makikita mo na ang nakaladlad na iba’t ibang plaka ng musika at libro. Wala ring wifi sa restaurant na ito, dahil gusto nilang maging lugar ito para mag-disconnect at mag-kickback.

Isa ring kapansin pansin ay ang antigong dekorasyon sa Ernesto’s Kitchen & Bar. Simula nung bata pa si Ernesto ay hindi siya nagtatapon ng mga bagay na sa palagay niya ay may value pa — mga lumang bote, mga lamp shade na inayos, at iba pa.

Kaya din siguro madami ang kanilang mga regular na kustomer dahil sa pagka-homey ng lugar. Habang kumakain ang mga kustomer, minsan ay kinakausap niya eto. Natutuwa ang mga kustomer sa ganong lebel na serbisyo at sa napakababang presyo ng mga pagkain. Nang kami ay bumisita, napansin ko na hindi lumalampas ng 200 ang isang potahe. Very affordable kaya’t binabalik balikan.

“Gusto lang namin na ‘pag andito sila, i-enjoy nila yung pagkain. Yung mga bagay na, for example, nag-uusap tungkol sa libro, tungkol sa music, tungkol sa dating mga ginagamit (halimbawa mga cassette tapes). So gusto lang namin na mag-usap, and feeling ko yun din yung parang point of conversation na ‘Uy ang daming plaka’ parang ganon. So para mag-usap lang sila, para may communication na nangyayari. Kesa sa yung kumakain ka nasa cellphone,” aniya.

20 taon na ang nakalilipas nang nagsimula si Ernesto sa industriya ng pagluluto. ‘Entertainment, cooking, bar, and resto’ — ganito ang paglarawan niya sa ginagawa niya.

Tinuruan umano siyang magluto ng kanyang ina.

Aniya, “So yun yung alam niyang gawin since bata. So yun yung kinalakihan ko na ginagawa.”

Bagama’t hindi siya nag-aral sa isang culinary school, natutunan niya kung paano gumana ang industriya ng pagluluto sa mga karanasan niya sa pagseserbisyo.

May ilang taong nagpahinga ang chef na ito sa Canada. Nagkaroon ng panahon sa kanyang 20 taon sa industriya na kinain siya ng kompetisyon dahil sa kanyang fear of going out of his comfort zone. Inilarawan niya kung paano niya napabayaan ang kitchen.

Sa kanyang pagkabagsak, galit na galit siya sa sarili niya at sa Diyos. Pero nagkaroon siya ng pagbabago ng puso,“Pero dun ko na-realize na, nakakahiya sa Diyos pag bini-blame mo sakanya or sa kapwa mo. Kasi kung naniniwala ka talaga sakanya, lahat ng nangagaling sakanya ay kabutihan, kasiyahan, abundance, good health. Lahat yun nangagaling sakanya. So kung ano man pinagdadaaanan mo, whatever you’re going through. It’s because of your indecision. It’s because of your wrong decision, yun lang. So nobody’s to be blamed. Not even God or your friend or your exes or whoever.”

Habang nasa ibang bansa si Ernesto, patuloy na nagluluto ang kanyang ina sa kanilang bakanteng lote na may inabandunang hardin. Pagbalik niya galing Canada, doon na niya naisipang magsimula ng negosyo.

Aniya, “Habang wala ako, sila ina tinuloy nila yung gusto pagluluto. So may 2 table sila dyan and nagluluto sila ng arroz caldo, palabok, mga dati nilang ginagawa. So tinuloy ko lang, sabi ko since ayaw nyo huminto sa pagluluto. Pakinabangan na natin.”

Dagdag pa niya,“Yung mga recipe na andito ay yung mga lumang recipe. May pag ka purist kung ano nasa palabok ng lola mo noon, gusto namin ganon pa din yung palabok ngayon. Kung ano lasa ng patatim ng lola mo, gusto namin yun din ang recipe na matitikman. So in a way, it brings back something from the past.”

Nagsimula ang Ernesto’s sa pagluluto ng putaheng Filipino ngunit dahil sa hiling ng kanilang mga customer, dinagdagdagan na nila ng pasta.

Mayroon silang mga potahe na out of the menu, at tumatanggap din ng mga special orders ang restaurant.

Ngayong nalalapit na ang anibersaryo ng Ernesto’s, nais pa nilang magpalago ng restaurant

Pag-anyaya niya sa mga tao, “Kung namimiss niyo yung heirloom recipes ng kabataan. If you are in the city. An hour away from Caloocan, pwede tayo pumunta dito. Relax ng onti.”

Kaya tara na at bisitahin ang Ernesto’s Kitchen & Bar!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?