298

By

‘Sulong EduKalidad’ isusulong ng DepEd

Sinimulan na ng Department of Education (DepEd) ang Sulong EduKalidad para sa dekalidad na edukasyon na naglalayong masuportahan ang lahat ng nararapat at nangangailangang batang Pilipino.

Sa naganap na 43rd Cabinet Meeting matapos ang pag-apruba at suporta ng Pangulong Rodrigo Duterte at ng gabinete para sa national effort na maitaas ang kalidad ng basic education na ginawa sa Bulwagan ng Karunungan, DepEd Complex, Pasig City.

“We are embarking on an aggressive reform effort to address the challenges to quality education and we need the support of everyone for this to take off,” ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones.

Nagpahayag ng suporta sa kampanya ang mga education leader at advocate mula sa executive, legislature, at education sector ng bansa.

Sinabi pa ni Briones na sa mga paaralan magsisimula ang pinaglalabang dekalidad na edukasyon kung saan mga guro ang mangunguna, katuwang na rin ang suporta ng publiko para maitaguyod ang kampanya.

“The battle for quality education will be fought and won at our classrooms, by our teachers but they will need the support of the nation to successfully educate a child,” ayon pa kay Briones.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?