1,618

By

Stylist ni Vivoree nagpaliwanag sa ‘di natapos na ABS-CBN Ball gown

Dumating ang Pinoy Big Brother alumna na si Vivoree Esclito sa ABS-CBN Ball 2019 nang tila may pagkukulang sa suot nitong gown.

Sa Twitter ilang araw matapos ang ball, pinaliwanag ng stylist ni Vivoree na si Vanessa Mercado ang dahilan kung bakit hindi natapos yariin ang gown ng aktres.

Aniya, binantayan naman niyang mabuti ang paggawa sa gown, ngunit isang araw bago sumapit ang ball ay nasira umano ang tela nito dahil sa mabigat na bead work sa bandang itaas ng gown.

Ipinasilip ni Mercado ang dapat sanang kakalabasan na disenyo ng gown ni Vivoree, at sinabing kailangan muling ayusin ng designer na si @missdmnq sa Instagram ang itaas na bahagi ng gown.

“I did follow up every day. Apparently the day before the ball, the heavy beadwork damaged the fabric & the designer had to do the the top part all over again and consumed so much time,” ayon sa stylist.

Nakiusap naman si Mercado na itigil na ang mga malisyosong balita ukol sa aktres.

“We weren’t informed about the severity of the damage and everyone was confident the gown will arrive “finished and polished” and on time for the ball. So let’s all stop these made up stories & end this issue,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?