9

Strikers pinatatag ni Cañete

Sinalya ni Michael Cañete at ng Bacoor Strikers ang Navotas Uni-Pak Sardines, 87-78, sa unang laro nitong Biyernes ng elimination round ng 3rd MPBL Lakan Cup 2019 sa Olivares College Gym.

Kumulekta ng game-high 22 points si Cañete kasahog pa ang apat na rebound upang patibayin ang Bacoor sa solo second spot sa Group B South Division hawak ang 16-5 kartada.

Umagapay rin si Nick Demusis sa Strikers sa kanyang 20 markers, ng 7 boards at 4 dimes para ibigay sa Navotas ang ikalawang sunod na talo nila.

“Siyempre galing kami sa talo [kaya] parang gutom ‘yung team na bumawi agad – bumawi kami sa game,” pahayag ni Cañete matapos makakuha ng talo kontra Basilan noong Oktubre 23.

Kapos ang double-double ni Jhon Bondoc na 15 markers at 10 rebounds para sa Navotas, sadsad sa 5-13 kartada sa Group A North Division. (Aivan U. Episcope)

Ang iskor:

Bacoor 87 – Canete 22, Demusis 20, Sumalinog 12, Ramirez 10, Mabulac 9, Destacamento 8, Ochea 3, Montuano 2, Acuna 1, Acidre 0, Castro 0, Melencio 0, Pangilinan 0.

Navotas 78 – Bondoc 15, Abdurasad 12, Prudente 9, Melegrito 8, Mamaclay 7, Cabahug 6, Evangelista 5, Guillen 4, Gonzales 4, Taywan 2, Soriano 2, Andaya 2, Bautista 2, Escobal 0, Matillano 0.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?