21
Stop! Duterte nag-ala-Quiboloy
Jan 18, 2020 @ 14:57
By

Stop! Duterte nag-ala-Quiboloy

Tila hiniram ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamosong linya ni Pastor Apollo Quiboloy nang patigilin umano nito ang lindol sa Mindanao.

Sa speech ng Pangulo sa SMX Convention Hall ay napansin nitong papundi-pundi ang ilaw kaya tumigil muna sa pagsasalita.

“Sandali ‘yung ilaw napapatay,” saad ni Duterte, tinuro ang ilaw at sinabing “Stop!” na kinahalakhak ng mga netizen.

“You stop flickering, I’m talking,” aniya pa.

Nangyari ito sa kasagsagan ng pagpapataman ni Duterte sa mga water concessionaire dahil sa maanomalyang kontrata.

“Of all the contracts that I’ve seen in my lifetime, we surrendered sovereignty,” saad ng Pangulo. “We allowed our valuable natural [resources] such as water (to be treated as) common commodity. That is a violation of the Constitution.”

“All water, lahat, air belongs to the state… It is the property of the state and ultimately the Filipino people. they treated it as a common commodity.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?