470

Jan 22, 2019 @ 17:44
By

Stephen Curry sa kanyang pagkadulas: Para akong bata!

Kilala si Golden State Warriors star Stephen Curry sa pagiging mahusay at unlimited range nito sa loob ng basketball court.

Ngunit sa kanilang laban sa Los Angeles Lakers, nangyari ang isang ‘worst possession of his life’.

Naagaw ni Curry ang bola at libreng-libre na itinakbo ang bola sa kanilang court, akmang isasalpak ang bola sa ring nang biglang nadulas ito at bumagsak, nakabangon at pumunta sa three-point line at saka bumitaw ng tres, at nag-air ball.

Naghiyawan ang mga fan sa loob ng arena dahil sa pangyayari.

Tinawanan lang ito ni Curry at ayon sa kanya, para siyang bata sa pangyayari.

“I was like a kid walking in the candy store with the whole halfcourt empty. I was going to try something really nice that I’ve never tried before. But the Lord wouldn’t let me do it,” natatawang pahayag ni Curry.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?