50

By ,

Stepfather ni Williamson excited para NBA stint nito

Excited ang stepfather ni Duke star Zion Williamson sa posibilidad na maglaro ito sa New Orleans Pelicans kung siya pa rin ang mga first draft pick nito sa darating NBA draft ngayong Hunyo.

Sa panayam ng radio show na ‘Off the Bench’ ng 104.5 ESPN Baton Rouge nitong Huwebes (Biyernes sa Pilipinas), inamin ni Lee Anderson, stepfather ni Williamson, excited na sila na pumunta sa New Orleans.

“We’re excited [about coming to New Orleans]. We’re excited about that,” sabi ni Lee.

Hindi pa siya pumipirma sa kahit na sinong agent o shoe deal at maari rin siyang bumalik sa Duke sa kanyang second year pero mismong si Williamson ay hindi pa nagpapakita ng kahit na ano tungkol sa draft kasabay ng naglabasan usap-usapan na ayaw na nito sa New Orleans dahil sa gustong pagkalas ni Anthony Davis.

“And you said about returning to Duke, there has been a lot of speculation, but that is nothing that we have even considered,” litanya ni Anderson.

Inamin din ni Anderson na nakikipag-usap na sila sa ilang opisyal ng Pelicans tungkol sa plano nila para sa 18-anyos na si Williamson. Nakausap na ni Anderson si coach Alvin Gentry at vice president ng basketball operations na si David Griffin.

“We had a great conversation and we’re excited about the prospects of coming down there and getting settled and looking for a place to stay and all of these good things,” dagdag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?