36
Mister iniwan ni misis, nagbigti
Feb 13, 2020 @ 16:44
By

Stepfather na pumatay, sumunog sa anak, nagpatiwakal sa selda

Dahil umano sa sobrang depresyon matapos kasuhan ng murder sa ginawang pagpatay sa 2-anyos na batang anak ng kanyang kinakasama ay nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili ang 65-anyos na suspek sa loob ng kanyang selda sa provincial detention cell sa Lanao Del Norte.

Nakabigti pa gamit ang isang sling rope ng matagpuan sa loob ng banyo ng kulungan ang presong nakilalang si Florencio Curay, 65, residente ng Purok 6, Sagapod ng nabatid na bayan.

Base sa ulat na ipinadala ng Lanao Police Provincial Office (PPO), dakong alas-12:15 ng madaling-araw ng madiskubre ang pagpapakamatay ni Curay matapos na mag-inspeksyon ang duty jail guard na si PNCO Crissan Lilanie Parba.

Matapos hindi sumagot sa roll call ay ipinahanap ni Parba sa ibang preso ang lalaki at doon tumambad sa kanila ang wala ng buhay na preso na nakabigti sa loob ng banyo.

Matatandaang si Curay ay suspek sa pagpatay at pagsunog sa 2-anyos na bata na anak ng kanyang kinakasama nitong Linggo, Pebrero 9 ng gabi.

Nagalit si Curay sa kinakasama nitong si Janet Balde dahil sa nawawala nitong P12,000 at ang babae ang pinagbibintangan ng una.

Kinaladkad ni Curay si Balde kasama ang 2-anyos na anak patungo sa bakanteng lote malapit sa kanilang bahay.

Subalit nakuhang makaalpas ng ginang at naiwan ang batang anak nito kay Curay na pinatay naman nito at hindi pa nakuntento ay sinunog pa ang bangkay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?