71

Mar 9, 2019 @ 19:22
By ,

Statham, Pasig kampeon ulit

Bagaman kulang sa tao, hindi naman ito dahilan para sungkitin ng Pasig Grindhouse Kings ang kanilang ikalawang kampeonato sa Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 President’s Cup.

Pinadapa ng Kings ang Pasay Voyagers, 14-12, sa finals sa fourth leg ng torneo, Sabado sa SM Megamall Events Center.

Sa panalong ito, nasa top spot na ngayon ang Pasig bitbit ang 380 points at papasok sila sa Grand Finals sa Marso 31, Sa SM Fairview Events Center bilang top-seed.

Pinunan ni Taylor Statham ang pagkawala ni Dylan Ababou nang pumoste ito ng pitong puntos para pangunahan ang tropa habang may sahog na apat na puntos si Troy Rike at tatlo naman kay Joshua Munzon.

“I feel like it started early this week, we just had to refocus,” sabi ni Statham. “It’s important for us to regain focus, be cohesive as a team again, and the chips fell into their place.”

Inamin din ni Statham na gusto talaga nilang makaharap ang San Juan Knights sa Finals ng leg na ito para makabawi pero sa tingin niya may ilang linggo pa bago mangyari ‘yun.

“Obviously, we wanted to play Bataan, we wanted revenge, but that will probably come in a few weeks. But Pasay is a good team. They’re super physical. They’re a tough team to beat so it was a lot of fun,” panapos nito.

Nanguna si Roosevelt Adams sa Pasay Voyagers na may pitong puntos sa kanyang pangalan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?