54
Statham, Pasig hari ng 3x3
Jun 17, 2019 @ 16:48
By ,

Statham, Pasig hari ng 3×3

Nanatili ang Gold’s Gym-Pasig bilang mga hari ng 3×3 basketball sa Pilipinas.

Nasungkit ng tropa nina Taylor Statham, Joshua Munzon, Dylan Ababou at Nikola Pavlovic ang titulo sa Finals ng first leg ng 2019 Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 Patriots’ Cup nang padapain nito ang Phenom-Basilan Steel 21-15 Linggo sa SM Seaside City sa Cebu City.

“It’s great. Honestly this is what our team needed,” wika ni Statham matapos ang winless campaign ng Pasig sa Kunshan at Tinkoff Moscow Challengers.

Tangan ng Pasig ang 12-10 kalamangan sa kalagitnaan ng laro bago muli itong umararo sa pagposte ng 5-2 run.

“Those are two great teams we just played. Can’t make too many turnovers and mistakes,” dagdag ni Statham.

Nakapag-uwi ng P100,000 ang Pasig at may 100 points din ito.

Bumandera para sa tropa si Statham na may 13 points habang may sahog naman na tig-apat na puntos sina Munzon at Pavlovic.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?