56

By

State of calamity dineklara na sa Sorsogon

Sinailalim na sa state of calamity ang bayan ng Magallanes sa Sorsogon dahil sa inaasahang pagbagsak ng bagyong Tisoy.

Nasa 1,153 na pamilya sa nabanggit na bayan ang pinalikas dahil nasa 23 coastal village dito ang delikado sa landslides.

Inaasahang magla-landfall si “Tisoy” sa Albay-Sorsogon area sa pagitan ng Lunes ng gabi o Martes ng umaga, Disyembre 3.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?