40

By

State of calamity dahil sa measles outbreak, delikadong samantalahin ng mga kandidato – Gordon

Tinutulan ni Senador Richard Gordon ang pagdedeklara ng state of calamity sa mga rehiyon na lumalaganap ang sakit na tigdas.

Ayon kay Gordon, kontrolado naman ang sitwasyon at maaabatan ito ng agad na pagbabakuna sa mga bata.

“There’s no need to create a national emergency here. We’re not in danger of a pandemic or an epidemic right now. It’s manageable, therefore what you need right now is a call to arms to make sure that everybody is conscious of the need to immunize and that kids must be immunized… We don’t have the numbers to justify that (declaration of a state of calamity). So let’s not go slip-shod into something that we are not ready for, that doesn’t call for it,” sabi ni Gordon.

Delikado rin aniya na samantalahin lang ng mga kandidato ang state of calamity dahil lalabas dito ang calamity funds ng mga lokalidad.

“This is the election period, and excuse na naman yan to spend money…What is important is that we show that we’re doing something to address the problem. What is important here is a notice to all to catch up with our immunization program,” diin nito.

Maaari rin aniyang samantalahin ng mga politiko ang stiwasyon ng mga nagkasakit ng tigdas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?