58

By

Standup comedian na si Ian Cognito nasawi habang nagtatanghal sa entablado

Nasawi habang nagtatanghal ang British standup comedian na si Ian Cognito.

Ayon sa South Central Ambulance Service, tinawag ng isang club sa Bicester, sa southern England ang mga medic noong Huwebes ng gabi ngunit pumanaw na ang pasyente sa mismong scene.

Inilahad ng organizer ng show na si Andrew Bird sa BBC na umupo umano ang 60-anyos na si Cognito at biglang natahimik sa kasagsagan ng kaniyang pagtatanghal.

“Everyone in the crowd, me included, thought he was joking.”

Hindi man sumikat ang naturang komedyante at mataas ang respeto ng mga kapwa komedyante rito.

Pinuri ng entertainer na si Jimmy Carr si Cognito dahil sa kabutihan nito sa kaniya nang siya ang nagsisimula pa lamang sa kaniyang negosyo.

“He died with his boots on,” tweet ni Carr.

Ayon naman sa “Little Britain” star na si Matt Lucas, ““He was always kind to me when I started out, and brilliant and provocative and entirely original onstage. What a loss.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?