10

Mar 26, 2020 @ 16:07
By

Staff ni Pia Cayetano, nahawaan ng COVID-19

Natamaan ng coronavirus ang staff ni Senadora Pia Cayetano.

Ayon kay Senate Secretary Atty. Myra Marie Villarica, ang staff member ay hindi nagtungo sa ibang bansa, at nanggaling umano sa isang family friend ang infection.

March 11 umano huling pumasok ang staff member, pero hindi dumaan sa plenary hall.

Nagkaroon ito ng mild symptoms matapos ang March 11.

“The Senate Medical Team, following protocols, has been informed and instructed to begin contact tracing, impose quarantine measures and give assistance in the testing of our employees as needed,” saad sa pahayag.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?