51
ABANTE train rep ariel casilao
By

SSS, paasa! – Anakpawis

Sharing is caring!

Binanatan ni Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao ang Social Security System (SSS) sa ulat na maaantala ang natitirang P1,000 sa P2,000 pension hike ng mga miyembro.

Sabi ni Casilao, patuloy ang panloloko at paasa ng SSS sa mga tao lalo na sa mahihirap.

“After the Duterte government hammered the poor sectors, of its TRAIN law-induced price surges, the pensioners are again distressed by this news,” ani Casilao.

Ayon sa kongresista, malaking kawalan ito sa pensioners na gumagastos sa maintenance medicines at iba pang pangunahing pangangailangan na nagtaasan ang presyo simula pa noong nakaraang taon.

Ipinagpaliban sa 2020 ng pamunuan ng SSS ang second tranche ng taas-pensiyon dahil dahil sa financial difficulties.

“The SSS management has repeatedly delayed the supposedly implemented law, recycling excuses of financial difficulties, but is not transparent enough to disclose the real score of their investments, on whether it incurred losses or earnings, and also of how it compensates its executives,” sabi ni Casilao.

Sinumbatan ng mambabatas ang ahensya na hindi lang talaga prayoridad ang kapakanan ng mga miyembro dahil nagtala ng P20-billion increase ang koleksiyon nito noong 2018.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?