22

By

Spurs balik-porma, 42 puntos tinambak sa Clippers!

Natigpas ng San Antonio Spurs ang pinakamalaking panalo ngayong season matapos gibain ang Los Angeles Clippers, 125-87, kasabay ng kanilang selebrasyon ng ‘Throwback Night’.

Nagbuhos ng 27 puntos ang Spurs forward na si LaMarcus Aldridge, habang balik din ang kamandag ni Rudy Gay na may 21 markers.

Ngunit ang naging alas ng Spurs ay ang kanilang depensa, binakuran ang kanilang mga nakalaban sa huling tatlong laro na hindi nakalalagpas ng 100 puntos.

“We’re just playing basketball, making it easy on ourselves. We’re moving the ball, helping each other on defense. That’s what makes it fun, just playing the right way and being good teammates to each other,” saad ni Rudy Gay.

Walang naging saysay ang 17 puntos ni Tobias Harris para sa LA-based squad, habang may tig-15 naman sina Danilo Gallinari at Avery Bradley.

Sa huling quarter, hindi na pinaglaro pa ni Spurs coach Gregg Popovich ang kanyang mga starters matapos lumobo sa 24 ang kalamangan sa third canto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?