26
butch-ramirez
Feb 11, 2018 @ 19:41
By

Sports journalism seminar nilatag ni Butch sa Davao

Mabibiyayaan ang mga student sports writer mula Davao para sa dalawang araw na training sa sports journalism, alay na programa ng Philippine Sports Commission na tinawag na ‘Communicate Sports’ ngayon sa The Royal Mandaya Hotel sa Davao City.

Higit sa 300 high school students ang inaasahang magiging parte sa workshop na nakatuon sa pagtuturo ng basic at fundamentals ng sport journalism pati na rin ang social media ethics.

Si PSC Chairman William Ramirez ang magbibigay ng inspirational message sa opening ceremony.

Isa ang youth sector sa pangunahing prayoridad at may espesyal na lugar sa puso ng PSC chief.

“President Duterte gave specific instructions to take care of the youth through sports. I am with him on that, and that is what we have been doing in the PSC for the past years,” sabi ni Ramirez.

Matatandaan na una nang kinilala ang nakatuon sa kabataan at itinalaga na pangunahing modelo ng UNESCO sa pagtuturo ng sports na Children’s Games ang brainchild ni Ramirez tulad sa sports journalism seminar na nakatutok sa mga kabataan.

Ipinaliwanag naman ni Mindanao oversight PSC official, Commissioner Charles Maxey, na “the seminar aims to promote the Philippine sports scene to the future media practitioners here in Mindanao. We also hope to instill in them a sense of responsibility in carrying a positive message to society through sports,” ani Maxey.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?