35

By

Splitter coach na, Carter patuloy pa rin ang paglalaro!

Sa edad na 42-anyos, wala pa ring kupas ang Atlanta Hawks forward na si Vince Carter.

Nasa ika-22 season na sa NBA, si Carter lang naman ang unang NBA player na nakapaglaro sa apat na dekada ng liga.

At kahit mga dating nakalaban nito ay nagugulat na lang na patuloy pa rin sa pag-dribble sa hardcourt ang tinaguriang ‘Half-Man, Half Amazing’ na manlalaro.

Sa tweet ni dating Spurs at Hawks center Tiago Splitter, sinabi nito na hanga siya dahil ngayong coach na siya para sa Brooklyn Nets ay patuloy pa rin sa pag-arangkada si Carter.

“How crazy is this? I used to have a poster of Vince Carter in my room… then I played against him… now I coach against him and he is still playing!” ayon sa tweet ni Splitter.

Nagkaharap ang dalawang koponan noong Lunes kung saan wagi ang Nets, 108-86. Sa nasabing laro ay naka-14 minuto si Carter at nakagawa ng eight points at two rebounds.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?