20

Apr 7, 2020 @ 16:19
By

Spending program ng gobyerno para sa 2020 rebyuhin – Drilon

Kailangang paghandaan ng gobyerno ang pagsakripisyo sa ilang mga proyekto nang makaipon ng pondo para sa COVID-19 response activity, ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon.

“Tough times call for tough decisions. We are now seeing the far-reaching effects of the COVID-19. It is not only the poorest that are affected but also the middle class, as well as small business owners. Sadly, the government’s wallet is depleting as the rest of the Filipino people,” sabi ni Drilon sa isang statement.

“Kung ang gobyerno hirap maghanap ng pera sa panahon ngayon, paano pa kaya ang ordinaryong Pilipino, ang mga nawalan ng trabaho, ang maliliit na mamumuhunan na nawalan ng negosyo,” diin nito.

Binigyang-diin pa ni Drilon na ilang item sa Bayanihan to Heal as One Act ay nanatiling hindi pa napopondohan.

“It is a question of government fiscal position. Does the government have enough money to combat COVID-19?” ani Drilon.

“Perhaps our financial managers would be able to free up some funds that would not be utilized for the intended purpose and realign it to the amelioration programs,” dagdag pa nito.

Ayon kay Drilon, sa ilalim ng budget ng Department of Public Works and Highway, may P30.17 billion na inilaan para sa bridge construction, P52.8 billion para sa asset preservation program (road construction), P113.39 billion para sa network development program (road widening, diversion), at P90.12 billion naman sa flood management program.

Dahil mahirap na aniyang maipatupad ang mga proyektong ito sa taong ito, iginiit na Drilon na ilipat na lang ilang sa mga pondo para makatulong sa mga apektadong sektor na labis na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

“The government should reach out to all affected sectors. If we do not roll out a parallel assistance, our economy will surely collapse,” ayon kay Drilon.

“Families classified as middle class today are not earning any income. Likewise, small business owners risk losing their livelihood due to the lockdown. Their needs may be different but all of them need help,” sambit pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?