328

Apr 3, 2020 @ 7:49
By

Speech ni Duterte, pinanood bago magsalita: Jane nagpatama sa mga basher

Naging sentro ng atensyon ng mga basher ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Jane Oineza matapos nitong paringgan si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi umano kailangan ng mga tao ngayon ang pagbabanta.

Sa April 2 tweet ni Jane, sinabi nito na mass testing ang kailangan ng mga tao ngayon at hindi threat, na matatandaang naging isyu matapos sabihin ni Duterte na ipapabaril niya sa militar at pulis ang mga leftist na manggugulo ngayong enhanced community quarantine.

Dahil sa nasabing tweet ay maraming pumuna sa aktres, dahilan para sumagot na ito sa mga basher.

Aniya, bago siya magbigay ng saloobin ay kanyang pinanood ng buo ang speech ng Pangulo, at hindi umano mali ang pag-intindi niya dito.

“To reply to multiple accounts with one script.. no I do not have poor reading comprehension. I have seen the full video before speaking up and I suggest you do as well,” saad ni Jane.

Tip din niya sa mga basher ay sana’y gamitin din nila ang kanilang mga boses ngayong COVID-19 pandemic.

“Wala po ako sa posisyon.. But what I do have is my voice and I will use it accordingly unlike some :)”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?