37

By

Special non-working day para sa ilang lungsod, bayan dahil sa pista

Idineklara ng Malacañang na special (non-working) day sa limang lungsod at isang bayan sa bansa batay sa inilabas na ilang proklamasyon.

Sa Proclamation No. 661, idineklarang special non-working day sa Talisay City, Negros Occidental sa February 11, 2019 para bigyang-daan ang ika-21st charter anniversary ng lungsod.

Wala ring pasok sa Laoag City, Ilocos Norte sa February 11, 2019 batay sa Proclamation No. 662 para sa selebrasyon ng Pamulinawen Festival.

Idineklara ring special non-working day ang February 11, 2019 sa Iriga City, Camarines Sur sa bisa ng Proclamation No. 663 para sa selebrasyon ng Tinagba festival.

Batay sa Proclamation No. 664, idineklara ring special non-working day sa Kidapawan City, Cotabato sa February 12, 2019 kaugnay sa kanilang 21st Founding Anniversary.

Deklarado ring special non-working day sa February 13, 2019 sa Parañaque City batay sa Proclamation No. 665 para iselebra ang cityhood anniversary.

Pinakahuli ay ang Proclamation No. 666 na nagdedeklara bilang special non-working day sa bayan ng Taytay, Rizal sa February 18,2019 para sa Araw ng Pasasalamat: HAMAKA Festival.

Ang mga inilabas na proklamasyon ay nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,