70

By

Speaker nagpadede sa session hall, hinangaan

Pinapurihan sa social media ang isang parliamentary speaker matapos hindi pabayaan ang kanyang baby at padedehin ito sa gitna ng debate.

Habang nagpe-preside ng debate kay lawmaker Tāmati Coffey si New Zealand Speaker Trevor Mallard, karga nito ang kanyang one-month-old son at pinapadede.

Ikinatuwa ito ng mga netizen.

“Thank you for normalizing the family unit. We need to see more of this. Work places need to adapt to enable this behavior,” tweet ng isang netizen.

“New Zealand…you might be a small country, but you have a huge lesson to teach the world!” sabi naman ng isa.

“Lovely to have a baby in the House, and what a beautiful one,” comment naman ng isa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?