308

By

Spain na sana! Guiao dismayado sa pagkatalo vs Congo

Marc Gasol, Ricky Rubio at iba pang Spanish player – ‘yan sana ang makakaharap ng Gilas sa pocket tourney sa Europe kung sakaling nakalusot kontra Congo.

Matapos dominahin sa una nilang laban, ininda ng Gilas ang 82-71 loss kontra Congo, at nawala ang tsansa na makatapat ang 2nd best team sa buong mundo na Spain.

Aminado man si head coach Yeng Guiao na dismayado sa nangyari, ngunit nananatili siyang positibo dahil may oras pa para makapag-adjust sa 2019 Fiba World Cup.

“Disappointed because of the loss. But very positive as we still have time to work on our mistakes,” ani Guiao.

Tingin naman ni deputy coach Ryan Gregorio, isa ang fatigue sa mga rason sa pagkadapa ng Gilas na siyam na manlalaro lang ang nasalang.

Pahinga si Gabe Norwood dahil sa mild strain, habang bawal pang maglaro si Kiefer Ravena dahil sa Fiba suspension.

“Fatigue was an issue since we just played with nine men all throughout the game,” ayon kay Gregorio. “Gabe’s absence was felt tonight.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?