24

By

Spain iho-host ang Climate Change Summit 2019

Matapos bitiwan ng Chile ang pagho-host ng climate at Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summits sa darating na Disyembre, sinalo ng Spain ang hosting para sa United Nations (UN) climate change talks.

Ayon sa UN, gaganapin ang climate change talks o mas kilala bilang COP25, sa Disyembre 2-13.

“Excellent news: Madrid will host the Climate Summit on December 2-13,” anunsiyo ni Spain’s acting Prime Minister Pedro Sanchez sa Twitter.

“Spain is working from now on to guarantee the organisation of the #COP25.”

Magugunitang noong Miyerkoles nang mag-withdraw ang Chile sa pagho-host sa December climate at APEC summits dahil sa mga protesta sa kanilang bansa na kumitil na ng may 18 katao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?