321

May 6, 2020 @ 21:11
By

Spaghetti naging instant noodles: Ilang chairman pinagpapaliwanag ni Mayor Isko

Inisyuhan ni Mayor Isko Moreno ng show cause order ang ilang barangay chairman sa Maynila dahil sa umano’y kalokohan sa mga pinamimigay na relief goods.

Pinagpapaliwanag ni Acting Manila City Administrator Atty. Marlon Lacson ang ilang barangay official sa loob ng 72 oras kung bakit hindi dapat makasuhan sa paglabag sa “Bayanihan: We Heal As One Act”, “Anti-Graft and Corrupt Practices Act” at iba pang ordinansa.

Nasa 46 na barangay official na raw ang sinilbihan ng show cause order.

Nag-ugat ang inis ni Moreno sa mga chairman matapos ang reklamo ng mga residente gaya ng pagbibigay sa kanila ng P500 cash aid imbes na P1,000.

Kabilang din ang ilang senior citizen na hindi nabigyan ng gatas mula sa city government.

Maging ang hindi patas na distribusyon ng mga relief pack at pagbabawas dito.



Kaugnay nito, viral ang video ng isang residente ng Maynila na nagreklamo na imbes na spaghetti ay instant noodles ang natanggap niyang relief goods.

Ani Mike Gabuyo Santosidad sa Facebook post, napatanong siya kung bakit imbes na spaghetti noodles ay Ho-Mi instant noodles ang natanggap niya, dalawang sardinas at bigas.

Nagalit pa raw sa kanya ang napagtanungan niya sa barangay at itinuro siya kay Mayor Isko.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?