47

Feb 21, 2020 @ 14:48
By

South Korea, No. 2 sa COVID-19

Umakyat na sa 156 ang kumpirmadong kaso ng novel coronavirus (COVID-19) sa South Korea.

Nitong Biyernes, nadagdagan pa ng 52 ang kumpirmadong kaso ng virus, ayon sa The Star.

Bunsod nito, ang South Korea ang tinuturing na pinakagrabeng tinamaan ng virus sa labas ng China.

Iniuugnay ang patuloy na pagtaas ng bilang ng COVID-19 infected sa mga pagtitipon ng Shincheonji Church of Jesus sa southern city ng Daegu.

Mahigit 80 miyembro na ng Shincheonji ang infected, na nagmula sa isang 61-anyos na babae na nagkaroon ng lagnat noong Pebrero 10.

Nangangamba si Daegu Mayor Seo Dong-min na sa dami ng kumpirmadong kaso sa kanila ay maging ikalawang Wuhan na sila, na siyang sentro ng virus outbreak sa China.

Pinayuhan niya ang mga residente na laging magsuot ng face mask kapag lalabas ng bahay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?