78

By

Sotto sa TRAIN 2: Wala nang tsansa!

Kinumpirma ni Senate President Tito Sotto III na malabo na ang tsansa na aprubahan ng Senado ang ikalawang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law o TRAIN2 na binalangkas ng Malacañang.

Wala na umanong panahon para ito busisiin at ayaw din dito ng mga senador dahil pinangangambahan na magtataboy ng mga negosyante kaya marami ang delikadong mawalan ng trabaho.

Sa TRAIN 2, tatapyasan ang income tax ng mga korporason pero babawasan ang kanilang mga tax incentive.

Ayon kay Sotto, maganda ang intensyon ng panukala pero kailangan ng panahon para pag-aralan ito.

“If you are talking about the version that has been broadcast, talagang mahihirapan. Pero ang version na sinasabi ko, may pag-asa kaya lang, hindi na talaga aabot kaya i-file na lang ulit sa Hulyo 2019,” sabi ni Sotto.

Kung patuloy itong isusulong ng Malacañang, sa susunod na Kongreso na lang aniya ito ulitin.

Sa pagbalik ng Senado at Kamara sa sesyon sa Nobyembre 12, magiging prayoridad ang panukalang badyet para sa 2019 bukod sa iba pang mga nakabiting panukalang batas gaya ng Rice Tariffication bill.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?