296

By

Sotto: ‘Pag may etits, panlalaking CR ang gamitin

Para kay Senate President Tito Sotto III, hindi na dapat pagdebatehan pa kung anong CR ang dapat gamitin ng mga LGBTQ member.

Saad ni Sotto, kapag mayroon pang-aring panlalaki ay dapat gamitin ang male CR.

Ito ay bilang pagkontra ni Sotto sa isang parte ng Sogie bill, na baka umano iabuso kapag pinayagan ang mga miyembro ng LGBTQ sa pambabaeng CR.

Ayon pa kay Sotto, madalas umano ay nag-uusap ang mga transgender sa pambabaeng CR tungkol sa kanilang mga ari, na posibleng ikadyahe ng mga babae.

Sinariwa din ni Sotto ang pag-video ni Gretchen Diez matapos itong hindi payagan sa pambabaeng CR.

“So dun pa lang kita mo, wala pa ito (Sogie bill), ina-abuse na. So that’s another problem,” sey ni Sotto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?