49

Mar 30, 2020 @ 23:44
By

Sotto: No pressure sa report ni Pangulong Duterte

Sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na hindi nito pine-pressure si Pangulong Rodrigo Duterte para maipasa ng mandatory weekly report kaugnay sa dagdag power na binigay sa kanya sa ilalim ng Bayanihan To Heal As One Act, upang malabanan ang coronavirus.

“It may be delayed, let’s cut them some slack since it just started,” sabi ni Sotto.

Kasunod ito ng ulat na wala pa umanong komunikasyon ang Kongreso at Malacañang tungkol sa weekly report ng pangulo na dapat ay ipapasa Lunes, Marso 30.

Isang linggo matapos maipasa ang batas, sinabi ni Sotto na umaasa itong matatanggap ang ulat hinggil sa update sa pagbibigay ng financial assistance para sa 18 milyong Filipino na apektdao ng outbreak.

“I expect to receive a report on one, ready for distribution of financial aid to the 18M families of the informal sector, two, mass testing especially in urban areas and three, prioritization of the safety and welfare of the frontline health workers,” sabi pa ni Sotto.

Ang nasabing weekly report ay alinsunod sa Section 5 ng Bayanihan To Heal As One Act.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?