85

By

Sotto: Masyado pa tayong hospitable sa SEA Games

Masyado umanong “hospitable” ang Pilipinas sa mga sasali sa 30th Southeast Asian (SEA) Games, ayon kay Senate President Vicente Sotto III, bagay na hindi naranasan noong panahon na siya’y isang national athlete.

“We are too hospitable!” pahayag ni Sotto bilang reaksiyon sa mga reklamo sa pagho-host ng bansa sa SEA Games kabilang ang kakulangan ng kalidad ng pagkain na ibinibigay sa mga atleta gayundin ang mga hindi tapos na mga venue kung saan gagawin ang paligsahan.

Sabi ni Sotto, dating national bowler noong dekada 70 at 80, kakaiba umano ang kanilang naranasan kung saan pinababayaan at ginigipit sila ng host country para masigurong matatalo sila sa laban.

“In the SEA/Asian games I’ve participated in, we were left by the host country to fend for ourselves. If possible, they even make us uncomfortable to make sure we lose to them,” sabi ni Sotto sa mga Senate reporter.

Sila din umano ang gumagastos sa kanilang pagkain gayundin ang kanilang transportasyon patungong hotel.

“Why do you think the host country always wins? The host country is not supposed to feed them etc., etc., etc. We spent for our meals and other expenses even lodging,” dagdag pa nito.

Si Sotto ay naglaro sa Philippine bowling team sa 1978 Asian Games at sa 1977, 1978 at 1981 SEA Games.

Sumali din si Sotto sa World Cup noong 1978 at 1985 sa President’s Cup sa Indonesia noong 1984 hanggang 1986.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?