62

Mar 3, 2020 @ 17:35
By

Sotto, hindi kapit-tuko sa puwesto

Hindi umano kapit-tuko sa puwesto si Senate President Vicente “Tito” Sotto III at nakahanda naman siyang bumaba sa kanyang puwesto anumang oras.

Ginawa ni Sotto ang pahayag matapos tanungin ng mga reporter kung may banta ba sa kanyang liderato sa Senado.

Una rito, naghayag ng sama ng loob ang bagitong senador na si Ronald “Bato” Dela Rosa kung saan sinabing pakiramdam nila’y sila ang bagong minorya dahil madalas silang natatalo sa botohan sa plenaryo sa Senado sa ilang isyu at mga panukala.

Pinakahuli ay ang Senate Resolution 337 na naglalayong hingin ang panig ng Korte Suprema tungkol sa papel ng Senado sa pagpapawalang-bisa ng isang tratado.

Labing-dalawang senador ang pabor sa resolusyon kabilang sina Sotto at Senate Minority Leader Franklin Drilon habang pito naman amh nag-abstain sa pangunguna ni Dela Rosa.

Ang iba pang kasapi ng majority bloc na nag-abstain ay sina Sens. Bong Go, Imee Marcos, Aquilino Pimentel III, Ramon “Bong” Revilla Jr., Francis Tolentino at Cynthia Villar.

Nang tanungin kung may banta ba sa kanyang liderato, sinabi ni Sotto na, “Why will I be concerned? So what?”

“I’m fine with that. I only serve at the pleasure of my colleagues. You can replace me anytime. I have no problem with that.”

“But the important thing is I will still do my job as a senator. And if I think it’s right, I will vote for it and if I think it’s not right, I will not. Ganun lang kadali ‘yun di ba?,” ayon kay Sotto.

Ayon pa sa lider ng Senado, wala pa naman siyang naulinigan na may senador na kakalakas sa mayorya at magbubuo ng bagong minorya.

“Wala naman akong nararamdaman na ganoon pero I don’t think they would like to be in the minority.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?