407

By

Sotto emosyonal sa pagpanaw ni Rico J. Puno

Inamin ni Senate President Tito Sotto III na emosyonal siya sa pagpanaw ng OPM legend na si Rico J. Puno.

“Kapalaran! I’m emotionally distraught,” sabi ni Sotto ukol sa kaibigan.

Hindi lang umano mahusay kumanta si Puno kundi mahusay na performer.

“We started calling him “the total entertainer” even from his Spindle days. He not only sang well but was witty and all,” dagdag ni Sotto.

Ginunita na walang pakialam noon ang mga elitista sa OPM o original Pilipino music pero nabago umano noong sumulpot si Puno noong 1975 – 1976.

Si Sotto ay music producer noon habang mang-aawit si Puno.

“Rico will now be performing for a far Greater Audience. Goodbye my friend,” sabi ni Sotto sa kaniyang Facebook account.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?