30

By

Sosyal na! Pulubi tumatanggap ng limos gamit ang money transfer

Natawa ang isang netizen sa pulubi na sunod na rin sa uso at digital na sa panlilimos sa publiko.

Kahit wala kang cash na dala ay walang problema sa isang matandang pulubi sa China dahil puwedeng makapag-transfer ng pera sa kanyang WeChat Pay app.

Kuwento ng netizen na si Cheah Chyuan Yong sa Facebook post, kasama niya ang mga kaibigan niya na nagdi-dinner sa Beijing nang lapitan sila ng pulubi at manghingi ng limos.

Walang dalang cash ang kaibigan ni Yong na sinabi nito sa pulubi.

Pero sinagot siya ng pulubi na walang problema dahil maaari itong magpadala sa pamamagitan ng WeChat at iyon nga ang ginawa ng kaibigan ni Yong.

“In my previous post, I spoke about how almost everything is transacted through WeChat in China. It so happened that some of our friends went for dinner and a beggar on the road asked for money. One of our friends told the beggar that she didn’t have cash. The beggar said it’s ok, you can pay through WeChat. And that’s what she did,” sabi sa post ni Yong.

Ang WeChat Pay ay isang feature sa messaging app kung saan puwedeng magpadala at tumanggap ng pera sa pamamagitan ng smartphones.

Patok sa China ang mga cashless form ng money transfer.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?