202

Apr 14, 2020 @ 11:20
By

Sosyal na corned beef, relief goods sa Marikina

Namangha ang ilang netizen matapos na mapansin na isang corned beef na mamahalin ang presyo ay pinamimigay na parte ng food package sa Marikina City.

Kasama ng ilang kilong bigas at de latang sardinas ay makikita na may nakalakip ding ‘Delimondo’ sa pinamimigay sa mga apektadong residente dahil sa COVID-19 pandemic.

Marami ang napanganga lalo’t kilalang brand ang ‘Delimondo’ na isa sa mahal na corned beef sa merkado.

Ayon sa iprice.ph, nagkakahalaga ng P150 ang isang de lata ng corned beef na pinamimigay sa lungsod.

Kaya naman maraming mga netizen ang hiling na sana’y umabot sa kanila ang tulong ng LGU ng Marikina.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?