46

By

Sorsogon niyanig ng magnitude 4.1 na lindol

Isang magnitude 4.1 na lindol ang tumama sa Sorsogon nitong Martes ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, naramdaman ang lindol dakong alas-4:46 ng hapon sa bayan ng Prieto Diaz.

Tectonic umano ang origin nito at may lalim na 15 kilometers.

Samantala, naranasan ang Intensity II sa Legazpi City habang Intensity I sa Roxas City.

Dagdag ng Phivolcs, walang inaasahang pinsala nito at aftershocks.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?