46

Feb 27, 2020 @ 18:14
By

Son Ye-jin nag-donate sa Daegu vs. coronavirus

100 milyong won o higit P4.1 milyon ang binigay ni “Crash Landing On You” star Son Ye-jin sa Daegu, ang lungsod na pinakaapektado ng coronavirus disease (COVID-19) sa South Korea.

Ngayong Huwebes, Pebrero 27, napabalitang binigay ng aktres ang kanyang donasyon sa non-profit organization Community Chest of Korea na gagamitin sa pagbili ng medical supplies at pag-apula ng kumakalat na COVID-19.

“Daegu is my hometown, where I was born and raised, as well as the place where my parents live now. So it is a particularly special place for me, and the news of [the COVID-19 outbreak] in Daegu was especially heartbreaking for me,” sabi ni Son, sa salin ng Soompi.

“I hope that [my donation] can provide some sort of practical help to lower-income residents who desperately need help now more than ever, as well as an aid in the treatment and prevention of COVID-19,” wika pa nito.

Sa ngayon, pumalo na sa 1,595 ang nahawa habang 13 ang pumanaw sa South Korea dahil sa nasabing sakit. Sinundan na nito ang China sa bansang pinakatinamaan ng COVID-19 sa daigdig.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?