10
maximo-rodriguez
By

Solons, humirit na taasan ang pondo sa Mindanao

Hiniling ng House Committee on Mindanao Affairs na taasan ang alokasyon ng pondo sa kanilang rehiyon.

Ayon kay committee chairman Maximo Rodriguez, nais nilang maitaas sa 20 porsiyento ng taunang national budget ang maging kabahagi ng Mindanao.

Ito ay mula sa 16.2 porsiyento ng budget na inilaan sa rehiyon ngayong 2018 at 12.8 percent lamang na average share nito mula 2014 hanggang 2017.

Sabi ni Rodriguez, maraming ahensya ng gobyerno ang kapos ang alokasyon para sa rehiyon na 40 percent ang poverty incidence at patuloy na lumalago ang populasyon.

“It is our appeal to all our departments that Mindanao should receive its fair and equitable share of the national budget due to the 40 percent poverty incidence, the highest in the country; a growing population of 26 million which is 1/4 of the Philippine population; for the development of the island’s potential as the country’s food basket; and for peace to finally be achieved due to increase economic/socio activities to uplift poverty,” ani Rodriguez.

Kabilang sa mga kagawaran na mababa ang budget para sa Mindanao ay ang Department of Transportation, Department of Information and Communications Technology, Department of Tourism, Department of Interior and Local Government, Department of Labor and Employment, Department of Health, Department of Science and Technology, Department of Trade and Industry, at Department of Agriculture.

Kaugnay nito’y bumuo ang komite ng walong technical working group na makikipag-usap sa mga tanggapan ng national government.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?