67

By

Solon: Pagpapadala ng Pinay DH sa abroad, ihinto na!

Dapat nang itigil ng Pilipinas ang pagpapadala ng mga Filipino domestic worker sa ibang bansa, ayon kay Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun.

Ito ang pananaw ni Fortun matapos ang napaulat na pagpatay umano sa OFW na si Jeanelyn Villavende sa Kuwait ng amo niyang babae

Giit ng kongresista, prone ang mga domestic helper sa mga kaso ng pang-aabuso.

Karamihan aniya ng mga household service worker ay mga “skilled o very trainable” kaya dapat ilagay na lang ang mga ito sa mga hotel at tourism market.

“Our household service workers deserve to be treated with dignity and humanely. It is time for our country to stop sending domestic workers abroad,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?