659

By

Solar-powered parol, binida sa UP lantern parade

Pinarada sa taunang lantern parade sa UP Diliman ang kauna-unahang solar powered na parol.

Ang tema ng UP lantern parade ngayon ay “Pumailanlang” at nangibabaw ang solar-powered na parol ng UP Asian Institute of Tourism dahil dito makikita ang kahalagahan ng kabataan sa pagsusulong ng solusyon sa climate change sa pagpili ng malilinis na energy sources.

“As stewards of the environment, we firmly believe that the path to development should not be dirty and destructive to nature and to the people. Our hot air balloon signifies that with every inch higher to where we are, we should always consider the good of the Filipino people and that no one should get left behind,” sabi ni UP AIT Student Council chair Dustine Maano.

Ang mga solar panels na ginamit sa parol ng UP AIT ay galing sa Center for Energy, Ecology, and Development.

“We are delighted that the youth are taking charge in demanding clean, affordable, and renewable energy from the government and all stakeholders of the energy sector,” sabi ni CEED executive director Gerry Arances. “With the advent of clean energy technology and the rising movement of youth all over the world, we are hopeful that the take-off to 100% renewable energy is not far from happening.”

Mahigit kumulang sa 30 parol ang pinarada sa UP lantern parade kahapon na gawa ng iba’t ibang academic institutions ng Universidad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?