69

By

SOGIE bill ‘di gagawing urgent ni Duterte – Sotto

Naniniwala si Senate President Vicente Sotto III na ang anti-discrimination bill ang sesertipikahan bilang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte at hindi ang Sexual Orientation, Gender Identity, and Gender Expression (SOGIE) Equality Bill.

“Alert: I am told the President is not certifying the SOGIE bill,” pahayag ni Sotto sa kanyang viber message sa mga reporters kahapon.

“He is willing to certify an anti-discrimination bill sans LGBT (lesbian, gay, bisexual, transgender) issues. A general anti-discrimination bill like the Davao ordinance,” dagdag nito.

Ginawa ni Sotto ang pahayag matapos ihayag ni Duterte noong Martes na kanyang sisertipikahan bilang urgent ang SOGIE bill.

Pero paniwala ni Sotto, sakaling sertipikahan bilang urgent ang SOGIE bill na sinusulong ni Senadora Risa Hontiveros, hindi rin ito makakalusot sa Senado.

“The SOGIE bill as is will not make it even if the President certifies the Hontiveros version. Remember separation of powers?” ani Sotto.

“It does not mean the bill will pass. Did we pass the Death Penalty bill certified urgent last Congress? Did we pass Train 2 certified as urgent? You all know the answers,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?