159

By

Sobrang lodi! Ginebra fan pina-tattoo si Brownlee

Wala na sigurong mas diehard fan sa isang lalaking nagpa-tattoo mismo ng mukha ng Ginebra resident import na si Justin Brownlee.

Sa post ni Facebook user Marvelous Fernandez Rebullar, kanyang ibinida ang tattoo kung saan makikita ang isang sumisigaw na Brownlee suot ang isang ‘Superman’ suit.

“He’s my superhero ,now more than ever ! He’s my shooting star . This amazing tattoo is forever etched into my skin as a reminder of his never say die blood in my veins , his courage and humbleness in my heart . Lodi Justin Brownlee” ayon sa kanyang post.

Maswerte namang napansin ang fan, sa Instagram ng three-time PBA champion ay ipinahayag ni Brownlee ang kanyang paghanga sa naturang tagasuporta.

“Wow!… Thanks Marvelous Fernandez Rebullar I appreciate the love!” papuri ni Brownlee.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?