195

Feb 20, 2020 @ 20:48
By

Sobrang daldal! Mga pulis pinaiiwas ni Duterte kay Trillanes

Pinaiiwas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pulis sa mga madadaldal na politikong katulad ni dating senador Antonio Trillanes IV.

Sa kanyang talumpati sa joint graduation ceremony ng Public Safety Officers Basic Course Class 2019-07 at Public Safety Officers Advance Course Class 2019-18 na ginanap sa Davao City, muling binanatan ng Pangulo si Trillanes dahil sa pag-grandstanding at pagiging madaldal nito.

Sinabi ng Presidente na puro ingay lang ang dating senador pero wala namang magawa para sa bansa.

Wala rin aniyang maipagmalaki si Trillanes dahil hindi naman ito nagkaroon ng mga medalya sa kanyang pagiging sundalo at hindi rin nakaranas na maisabak sa giyera at sa halip ay nanatili lamang sa opisina.

“Pati si Trillanes, sige daldal. Alam mo, you are — kayo ang nasa… Itong mga politiko, basta politika lang. So you — you know, you should avoid people like that. ‘Yung akala nila na sila ‘yung — ‘yung mga grandstanding na wala namang magawa. Hindi naman bemedaled. Hindi naman nagpunta ng giyera ang g***. Nasa opisina lang. Tapos mag-ambisyon,” anang Pangulo.

Sisirain lamang aniya ng mga politikong tulad ni Trillanes ang bansa kaya dapat iwasan ito ng mga pulis.

“‘Yung mga ganun, iwasan ninyo. I’m just advising you. Stay clear. Sisirain tayo,” dagdag pa ng Pangulo.

Si Trillanes ang isa sa mga mahigpit na kritiko ni Pangulong Duterte bago pa man maupo ito bilang Pangulo ng bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?