193

By

Sobrang bagal mag-rebook! Edu Manzano nabanas sa PAL

Dismayado si Edu Manzano sa kanyang karanasan sa pag-rebook ng flight sa Philippine Airlines.

Ito’y matapos na hindi makaabot si Edu sa kanyang flight dahil sa matinding traffic na kanyang dinanas pauwi mula sa concert ng sikat na bandang U2.

Ayon sa aktor, tumagal ng dalawang oras ang kanyang pag-rebook via phone call.

“Just got off the phone w/ #PAL. It took 2 hours to rebook a ticket. Haven’t slept yet. Will they ever change?” saad ni Manzano sa kanyang Twitter account.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?