64

By

Smith ‘aasawahin’ ng E-Painters

Mahalaga sa Rain or Shine at Blackwater ang makauna sa best-of-three series ng PBA Commissioner’s Cup na sisiklab mamaya sa Mall of Asia Arena.

“It’s all about wanting it more. We know it’s gonna be a hard task, but it’s all about playing hard and giving it your best,” ani Elasto Painters coach Caloy Garcia sa bisperas ng match.

Sapul nang sumali sa liga noong 2014, apat na beses pa lang lumalagpas sa eliminations ang Elite at may iisang panalo pa lang sa playoffs.

Beterano na sa kampanya sa playoffs ang Painters, nakaanim na sampa na sa finals at nagkampeon sa dalawa.

“We are playing against a very strong, smart and veteran Rain or Shine basketball team, so we have got to be able to be there fighting right from the get-got until the final buzzer,” giit ni Blackwater coach Aris Dimaunahan.

Pangalawang pagkakataon na magtatagpo sa quarters ang RoS at Elite, una noong 2015-16 Philippine Cup. Dinispatsa ng noo’y No. 3 Painters ang 10th Blackwater.

Pero ibang Elite na ang lumalaban ngayon, tinalo pa ang Rain or Shine 98-92 sa lone encounter nila sa elims noong June 2.

Tinapos ng Elite ang kampanya sa franchise-best 7-4 record para upuan ang No. 3.

Kabuhol ng Rain or Shine ang Magnolia at San Miguel Beer sa 5-6, napunta ng No. 6 ang Painters.

“Blackwater has been playing great and they bring in Greg Smith who we know is a good import, can create lots of mismatches,” dagdag ni Garcia.

Ibinalik ng Elite si Smith tapos magka-injury sa paa si Staphon Blair.

Si Smith ang ipinarada ng Blackwater sa parehong torneo noong 2017 at nag-average ng 27.7 points, tournament-best 22.9 rebounds, 4.91 assists, 1.2 steals at 1.0 block.

Markado na ni Garcia ang mga kailangang gawin para maunahan ang Blackwater.

“We just have to follow our game plan and try to limit their scorers,” aniya. “Controlling the boards will be the key.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?