17

By

Smash PH badminton team humakot sa Australia

Tatlong medalya ang nasungkit ng delegado ng Smash Pilipinas Badminton Team sa isang international tournament na ginanap sa Sydney, Australia.

Wagi ng tig-iisang ginto, tanso at pilak ang nasabing badminton squad sa2019 Sydney International na ginanap noong Setyembre 18 hanggang 22 sa Sydney Olympic Park.

Nakuha nina Peter Gabriel Magnaye at Thea Marie Pomar ang top distinction sa mix doubles, habang silver naman si Magnaye kasama si Alvin Morada sa men’s doubles.

Kumana naman ng bronze medal sina Alyssa Ysabel Leonardo at Morada sa mix doubles din.

Ito’y sa harap ng matinding kompetisyon mula sa 47 magkakatunggali mula sa 12 bansa para sa mixed, habang 45 naman ang pambato mula sa 15 bansa para sa men’s doubles.

Dagdag ang nasabing accomplishment sa napalanunang ginto ng Pilipinas sa ASEAN School Games sa Indonesia noong Hulyo ngayong taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?