331

By

Slaughter: Walang offer sa’kin ang Ginebra

Nagsalita na ang dating Ginebra center na si Greg Slaughter sa biglaang desisyon na magpahinga sa PBA.

Ayon kay Slaughter, hindi umano patas na sabihing nag-demand siya tungkol sa kontrata dahil wala namang binigay na offer ang Ginebra sa kanya matapos mag-expire ang contract.

“I never received any contract offer. It’s unfair to say I made demands when there was no offer,” ayon sa tweet ni Slaughter.

Aniya pa, wala siyang muwang sa trade rumor na ang matunog na kapalit ay si NorthPort center Christian Standhardinger.

“I was never aware of any trade,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?