25

Mar 24, 2020 @ 19:22
By

Slaughter todo-praktis kahit quarantine

Walang tigil sa ensayo si Greg Slaughter kahit pa naka-lockdown ang buong Luzon kasunod ng banta ng coronavirus.

Sa Instagram post ni Slaughter, kitang nagba-basketball ito kasama ang dating kakampi na si Chris Ellis sa isang gym.

Aniya, isolated o tanging silang dalawa lang ang tao sa gym, na ayon sa Ginebra slot man ay isa sa kanyang mga ‘dream’.

“Living the dream. #IsolatedGym,” saad nito.

View this post on Instagram

Living the dream. 🐉🐉 #IsolatedGym

A post shared by Gregory Slaughter (@gregslaughter) on


Matatandaan na hindi pumirma ng kontrata si Slaughter sa Ginebra at piniling magpahinga sa 2020 PBA season.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?